Manila, Philippines – Nais ngayong paimbestigahan ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy ang nangyaring sunog sa gusali ng Bureau of Customs (BOC).
Sa harap ito ng ulat na ilang dokumento umano ang nasunog na posibleng magresulta ng port congestion at iba pang problema.
Dahil dito, hiniling ni Uy kay interior sec. Eduardo año na ipag-utos sa Bureau of Fire Protection (BFP) na magtalaga ng mga pinakamahuhusay na arson investigators para imbestigahan ang insidente.
Ayon pa sa mambabatas – ito ay para hindi rin magduda ang publiko sa dahilan ng sunog lalo’t kilala ang BOC na talamak ang korapsyon.
Samantala, ayon kay Customs Spokesperson Dino Austria – secured ang data base ng BOC kaya hindi dapat mangamba ang publiko na mabubura ang files.
Biyernes ng gabi nang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng opisina ng BOC na umakyat hanggang ikalimang alarma.
Nagtayo muna sila ng temporary office sa BOC gymnasium para tuloy pa rin ang transaksyon at trabaho ng ahensya.