Nangyaring sunog sa Star City, hindi sinadya – BFP

Nilinaw ng Bureau of Fire Protection (BFP) na hindi sinadya bagkus electrical wiring ang dahilan ng pagkasunog ng Star City nitong Oktubre.

Ito ang lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng Inter-Agency Anti-Arson Task Force.

Ayon kay BFP spokesperson Gerrandie Agonos – hindi arson, kundi nag-overheat ang mga ilaw na itinuturong sanhi ng sunog.


Dahil dito, pwede na muling kumuha ng clearance ang pamunuan ng theme park para sa kanilang renovation.

Wala pang tiyak na petsa kung kailan bubuksan ang Star City, na kilalang pasyalan tuwing holidays.

Facebook Comments