Manila, Philippines – Balak nang paimbestigahan sa kamara ang nangyaring internal error system ng Bank of the Philippine Islands.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Reporesentative Rodel Batocabe – isinumite na ang *house resolution 1072* para pakilusin ang house committee on banks and financial intermediaries sa nangyaring aberya sa BPI.
Layon ng imbestigasyon na tutukan ng komite ang katatagan ng buong internal system sa banking industry.
Kasabay nito, gusto na ring siyasatin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Dept. of Information and Communications Technology (DICT) at National Privacy Commission (NPC) ang nangyari.
Sinabi ni NPC Commissioner Mon Liboro – aalamin nila kung may nalabag sa data privacy rights o kung na-expose ang impormasyon ng mga bank customer.
Nabatid na nagdulot ng panic sa maraming customers ng BPI ang nangyaring system ERROR.
* DZXL558*