Nangyaring system glitch sa NAIA, dapat na may managot

Iginiit ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda na dapat may managot sa nangyaring pagbagsak ng air traffic management system power sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA nitong January 1.

Malinaw para kay Salceda, na mayroong nangyaring kapabayaan sa insidente at nararapat lamang na may maparusahan upang hindi na ito muling mangyari.

Paliwanag ni Salceda, mayroong nagpabaya dahil hindi naman masasabing force majeure o bunga ng likas na sakuna ang nangyari dahil dapat ay napaghandaan na ang power outages at air traffic sa paliparan.


Una rito ay iminungkahi ni Salceda na bayaran ng gobyerno o i-reimburse ng buo ang gastos ng mga pasahero ng eroplano na naapektuhan ng naturang aberya sa NAIA.

Facebook Comments