Nangyaring Tensyon sa North Cotabato kontrolado na ng Militar!

Napahupa ng militar ang girian sa pagitan ng magkalabang aramadong grupo sa tatlong mga barangay sa bayan ng Matalam sa North Cotabato.

Ayon kay 602nd Brigade Commander Brig. Gen. Roberto Capulong sa tulong at kooperasyon ng lokal na pamahalaan ng Matalam at ng provincial government ay humupa ang sagupaan sa pagitan ng nag-uumpugang mga grupo sa barangay Marbel, Kidama at Kilada.

Umabot ng dalawang araw ang sagupaan ng naturang mga grupo dalawang Moro Fronts.


Nagdagdag ng tropa sa lugar upang matiyak na mapilan ang pamumuo ng na naman ng tensyon sa pagitan ng grupo nina Kumander Norodin Ambel ng Moro National Liberation Front O MNLF at Kumander Naga ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng dalawang grupo makaraang tambangan at masawi si Councilor Norodan Solaiman Ambel ng Barangay Kilada na anak ni MNLF-Cotabato Chairman Dima Ambel.

SInabi pa ni Gen. Capulong na nakatakda bukas ang isasagawang peace dialogue sa pagitan ng magkalabang mga grupo, una na rin anyang nagkaroon ng mga inisyal na kasunduan kung saan napagkayarian na walang mangyayaring “movements” sa bawat panig.

Sinabi pa ni Gen. Capulong na halos lahat na ng mga nagsilikas na residente bunsod ng tensyon sa pagitan magkalabang grupo ay naka-uwi na maliban na lamang sa iilan pang mga pamilya na nananatili pa rin sa isang eskwelahan.

Subalit sinabi ng opisyal na oras na matapos ang isasagawang peace dialogue bukas ay kukumbinsihin nila ang mga ito na bumalik na sa kanilang komunidad.

Samantala, sa usapin naman ng nagkakagiriang armadong grupo sa bayan ng Pikit, sinabi ni Gen. Capulong na may mga inisyatibo na ring ginawa sa tulong ng MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) at Adhoc Joint Action Group (ADJAG).

Bahagi ng ceasefire mechanism ng gobyerno at ng MILF na ang MILF muna ang dapat na gumawa ng interventions kung may mga kahalintulad na insidente.
Dahil sumidhi ang sagupaan sa pagitan ng local factions nina Moro National Liberation Front sub-commanders Jainudion Butuan at Kuwat at ng grupo ni Moro Islamic Liberation Front base command sub-commanders Abdul Hamid Sansawi, Sambutuan at Ekot ay napilitan kaagad na kumilos ang militar at himingi na ng tulong sa CCCH at ADJAG upang mapigilan ang tensyon, nagkaroon naman na ng ceasefire agreement sa pagitan ng naglalabang grupo kaya pansamantalang natigil ang palitan ng putok ng mga ito dagdag pa ni Gen. Capulong.(Daisy Mangod)

Facebook Comments