Naniniwala ang ilang presidentiables na panahon na upang mapagtuunan ng pansin ang nangyayaring injustice sa bansa.
Sa Usapang Halalan 2022: The CBCP Election Forum, sinabi ni Ka Leody de Guzman na maraming nangyayaring injustice kabilang na ang social injustice, political injustice, at economic injustice.
Ayon kay De guzman, ito rin ang dahilan kung bakit tumataas ang krimen at nagiging tambak na ang mga kaso sa korte.
Kasunod nito, sinabi naman ni Senator Manny Pacquiao na kinakailangan nang magkaroon ng judicial reform sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking budget sa Hudikatura.
Sinegundahan naman ito ni Vice President Leni Robredo kung saan iginiit niya na maraming bakanteng posisyon ngayon sa Hudikatura na nagdudulot ng pagka-delay ng mga pagdinig sa korte.
Sabi naman ni dating Defense Secretary Norberto Gonzales, nasa sampung libong mga bagong abogado ang kinakailangan ng bansa para mapabilis ang mga pagbusisi sa mga kaso.