Hindi pinagsisihan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang hindi nila pagrerekomenda ng ceasefire sa pagitan ng Communist Party of the Philippines -New Peoples Army o CPP-NPA ngayong panahon ng Pasko.
Ito ay matapos na sapilitan tangayin ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang 12 CAFGU at 2 sundalo nang salakayin ng NPA ang military detachment sa ilalim ng Special Forces Battalion ng 401st Brigade ng Philippine Army sa Barangay New Tubigon Sibagan, Agusan del Sur.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lieutenant General Benjamin Madrigal sa NPA tama lang ang kanilang desisyon dahil kahit noon pa man ay hindi seryoso ang NPA sa kanilang mga pahayag.
Sa ngayon aniya ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang AFP upang matukoy kung may security lapses ang kanilang tropa dahilan para matangay ang kanilang mga kasamahan.
Pero nilinaw ni Madrigal na ang sinalakay na military detachment ay bago lamang na establish, ito aniya ay nasa malayong lugar kung saan maging ang ibang tropa nila ang hirap ito puntahan.