Nanindigan ang DOH na wala pang bakuna kontra COVID-19

Nagbabala rin si Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire sa publiko na huwag gumamit ng gamot na hindi rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA).

Kinumpirma rin ni Under Secretary Vergeire na pinakabatang namatay sa COVID ay 29 days old na lalaking sanggol mula Batangas.

Aniya,ang sanggol ay nakaranas ng hirap sa paghinga, nagkaroon ng pneumonia, at nasawi sa severe respiratory infection.


Sa kabilang dako, sinabi ng opisyal na karamihan sa mga gumaling sa COVID ay mga pasyenteng nagkaroon lamang ng mild symptoms at asymptomatic na gumaling lamang sa kanilang mga tahanan.

Nananatili namang bukas ang Department of Health (DOH) sa health facilities na nangangailangan pa ng PPEs.

Itinanggi rin ng DOH na iniipit nila ang pagbubukas ng Marikina City Testing Center.

Sa katunayan sinabi ni Under Secretary Vergeire na naka-alalay sila sa at nagbibigay ng technical assistance sa pamahalaang Lungsod ng Marikina.

Gayunman sa ngayon aniya ay hindi pa nakakapagtraining ang kanilang mga tauhan sa Marikina at hindi pa sila nakakapag install ng kanilang equipments.

Nagpa-alala rin ang DOH na posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ang hindi pagsunod sa tamang kwalipikasyon sa pag-ooperate ng laboratoryo.

Facebook Comments