NANINDIGAN | Atty. Topacio, iginiit na may basbas ni Wanda Teo ang pagbabalik ng ₱60-M ad placement

Manila, Philippines – Nanindigan si Atty. Ferdinand Topacio na may basbas ni dating Tourism Secretary Wand Teo ang kanyang anunsyo noon na isasauli ng pamilya Tulfo ang ₱60 million ad placement deal.

Ayon kay Topacio, si Teo ang nagbigay sa kanya ng ‘go signal’ na sabihin ito sa press conference.

Bwelta pa ni Topacio, noong Mayo pa ang kanyang anunsyo pero ngayong buwan lang itinanggi ni Ben Tulfo.


Nabatid sa pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ni Ben Tulfo na hindi niya inaprubahan ang pagbabalik ng pera.

Facebook Comments