NANINDIGAN | Ben Tulfo, nanindigang hindi ibabalik ang P60-M na ad placement na ibinayad ng DOT

Manila, Philippines – Iginiit ni Ben Tulfo, kapatid ni dating Tourism Secretary Wanda Teo na hindi nila ibabalik ang P60 million advertisement payments mula sa DOT.

Sa kaniyang facebook post, sinabi ni Ben na mamuti na ang mata ng mga nagsasabing isauli nila ang pera.

Hinamon rin ni Ben ang mga nagsasabing ilegal at nangulimbat sila ng pera na magsampa ang mga ito ng kaso at magpakita ng ebidensyang may iregularidad sa pagpapalabas ng DOT ad sa PTV 4.


Ayon pa kay Ben, maniningil pa nga sila dahil may utang pa sa kanila ang PTV-4.

Una nang sinabi ng abugado ni Teo na si Atty. Ferdinand Topacio na ibabalik ng Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) ang P60 million ad payments ng DOT.

Lumabas rin sa report ng Commission on Audit (COA) na posibleng maharap sa kasong graft si Teo dahil sa iregularidad sa Memorandum of Agreement ng DOT at ng PTV.

Facebook Comments