Muling nanindigan si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na hindi siya makikialam sa kaso ng kanyang anak na inaresto sa isang anti-drug operations sa Naga City.
Sabi ni Faeldon, hindi siya maglalabas ng kahit isang sentimo para tulungang makalaya ang nakababatang Faeldon.
Maging ang mga kaibigan na nag-alok ng tulong, tinanggihan din daw ng BuCor Chief.
Aniya, kung talagang inosente ang kanyang anak, tiwala siyang makakalaya ito kahit wala siyang gawin.
Facebook Comments