NANINDIGAN | China, hindi hihingi ng kapalit sa mga pinasok na loan agreements ng Pilipinas

Manila, Philippines – Nanindigan ang China na ang loan agreements na pinasok ng Pilipinas ay walang kaakibat na collateral sa mga likas na yaman ng bansa.

Ito ay matapos lumabas ang isang ulat sa Global Times ng China na ang mga utang sa China ay may kaukulang katapat na natural resources bilang collateral.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, kailanman ay hindi nila hiningi o hihilingin sa mga bansang papasok sa loan agreements na gawing loan collateral ang mga natural resources nito.


Giit ng opisyal, walang kapalit ang ibinibigay na tulong ng China sa Pilipinas.

Tiniyak din ni Shuang na hindi ito makakaapekto sa economic and trade cooperation projects sa pagitan ng Pilipinas at China.

Facebook Comments