NANINDIGAN | China, iginiit na hindi isusuko maski ang maliit na piraso ng teritoryo nito

China – Iginiit ng China na committed ito sa pagsusulong ng kapayapaan pero hindi nito isusuko maski ang ‘maliit na piraso’ ng teritoryo nito na minana sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Ito ang pahayag ni Chinese President Xi Jin Ping sa pagpupulong nito kasama si US Defense Secretary Jim Mattis sa Beijing.

Ayon kay Xi, ayaw ng China na magdulot ng kaguluhan.


Itinuturing namang matagumpay para kay Mattis ang pag-uusap nito kay Xi lalo na sa pagpapanatili nito ng military relationship sa China.

Facebook Comments