NANINDIGAN | Dating Health Sec. Janette Garin, iginiit na ‘conceptualized’ at ‘planned’ ang kinukwestyong brgy health stations project

Manila, Philippines – Nanindigan si dating Health Secretary Janette Garin na malinis ang kanyang konsyensya.

Ito ay kaugnay sa maanomalyang Barangay Health Stations Project na ipinatupad sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Aniya, ang Barangay Health Stations Project ay napag-isipan at napagplanuhan.


Handa ang dating kalihim na harapin ang anumang reklamong isasampa laban sa kanya.

Ayon kay Garin, ang sumunod na sa kanya na si dating Health Secretary Paulyn Ubial ang dapat makasagot nito.

Nanawagan din si Garin kay Health Secretary Francisco Duque III na tigilan na ang pagpapasa ng sisi sa nakaraang administrasyon.

Facebook Comments