NANINDIGAN | DepEd, nanindigang mananatili sa Hunyo ang school opening ng mga public schools

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na mananatiling sa Hunyo ang umpisa ng pasukan para sa school year 2018-2019.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, wala pa silang planong baguhin ang academic calendar.

Punto ng kalihim, mas natatangi ang buwan ng Hunyo para sa pagbubukas ng klase partikular sa mga pampublikong paaralan.


Ang private schools naman ay bibigyan ng hanggang August 4, 2018 para sa school opening.

Paliwanag ni Briones, kapag ang klase ay sinimulan sa Agosto ay aabot ito sa dry months at hindi angkop para sa mainit na panahon ang mga silid-aralan sa public schools at magiging kawawa ang mga estudyante.

Facebook Comments