Manila, Philippines – Nanindigan ang Court of Appeals (CA) sa nauna nitong desisyon na hindi maaring ipatupad sa Pilipinas ang desisyon ng korte sa Hawaii noong 1995 na nag-aatas na bayaran ng dalawang bilyong dolyar na danyos ang libu-libong biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong Rehimeng Marcos.
Ito ay makaraang ibasura ng CA Former 12th Division ang motion for reconsideration na inihain ng human rights victim sa pangunguna ni Retired Judge Priscilla Mijares, Dating Commission on Human Rights Chairperson Loreta Ann Rosales, Film Director Joel Lamangan, Hilda Narciso at Mariano Dimaranan na kumakatawan sa mga claimant sa MDL 840.
Ang MDL 840 ay ang docket number na ibinigay sa class suit na inihain sa Amerika sa pamamagitan ng Alien Tort Statute kung saan noong February 3, 1995 ay nagpalabas ng desisyon si Hawaii District Court Judge Manuel Real
Ang nasabing desisyon ng Hawaii Court ay pinagtibay ng US Court of Appeals noong December 17, 1996.