Manila, Philippines – Nanindigan ang pamahalaan sa diplomatic approach sa kabila ng militarisasyon ng Chinese Forces sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, tuloy pa rin ang bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng inihaing reklamo ng bansa.
Aniya, mananatiling transparent ang pamahalaan sa pagharap sa problema sa China pero may ilang mga bagay na hindi pwedeng ilantad sa publiko.
Ito ang naging tugon ni Cayetano sa pahayag ng ilang kritiko na noong nakalipas na linggo lamang ay hinaras ng Chinese Coast Guard ang ilang mga tauhan ng militar malapit sa mga pinag-aagawang isla.
Nakuha na rin umano ng China ang ilang bahagi ng Sandy Cay malapit sa Pag-Asa Island.
Pero bwelta ni Cayetano, agad siyang magre-resign kapag napatunayang may napunta sa China na bahagi ng lupain ng bansa.