NANINDIGAN | DND at AFP, hindi pa rin irerekomenda ang pagdedeklara ng SOMO kahit nagdeklara na ng ceasefire ang CPP -NPA

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na hindi magbabago ang kanilang desisyon na hindi pagrerekomenda ng Suspension of Military Operation o SOMO sa pagitan ng Communist Party of the Philippines o CPP-NPA ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ginawa lamang ng CPP- NPA ang pagdeklara ng ceasefire dahil ito ay pabor sa kanila.

Nais lamang daw ng grupo na makapag regroup o makapag ayos ng kanilang hanay upang pagkatapos ng ceasefire ay tuloy naman ang laban sa gobyerno.


Sinabi naman ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na wala silang pakialam sa pagdedeklara ng ceasefire ng CPP- NPA dahil mananatili aniya ang kanilang desisyong hindi sila magrerekomenda ng SOMO ngayong kapaskuhan.

Facebook Comments