NANINDIGAN | ECOP, iginiit na may umiiral na batas na nagbabawal sa 555 o endo

Manila, Philippines – Iginiit naman ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), na hindi na kailangan ng bagong batas sa paggawa.

Sa interview ng DZXL 558 RMN Manila kay Donald Dee, presidente ng ECOP, lahat naman ay nasa ilalim na ng DOLE order 174 kung saan bawal na talaga ang kalakaran ng 555 o limang buwan lamang sa trabaho at tatanggalin na.

Sapat na rin daw ang mga benepisyo ng mga empleyado at sa tingin ni Dee na kung natuloy ang pagpirma ni DUTerte ay mauuwi ito sa paglayas ng mga negosyante sa PIlipinas.


Aniya, hindi naman sila tutol sa mga legal na uri ng contractualization dahil makikinabang din naman ang mga negosyo sa hinaharap kung tuluyang mawawakasan ang endo.

Sa huli, sinabi pa ni Dee na nararapat lamang na sumunod sa batas ang mga employers at kapag nalaman nilang lumalabag ang mga ito, sila na mismo ang bahalang mag-report nito sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Facebook Comments