NANINDIGAN | Ekonomiya ng bansa masigla pa rin kahit mataas ang inflation – Malacañang

Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na masigla pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng mataas na inflation rate na umabot sa 6.4% noong nakaraang Agosto na pinakamataas sa loob ng 9 na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kahit mayroong problema ang bansa sa inflation ay umuunlad pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas.

Paliwanag ni Roque, base sa impormasyong mula sa National Economic and Development Authority o NEDA ay umabot sa halos 500 libong trabago ang nabuksan o nadagdag noong nakaraang buwan ng July.


Ipinagmalaki din ni Roque na maganda din ang performance ng manufacturing sectory noong Hulyo kung saan partikular na inaasahan pang lalago ay ang production ng mga produkto tulad ng textiles, beverages, basic metals at iba pa.

Facebook Comments