NANINDIGAN | Grab, nanindigang legal ang kanilang P2 per minute travel charge

Manila, Philippines – Nanindigan ang Grab Philippines na legal ang kanilang singil na dalawang piso kada minutong travel charge.

Ito ay matapos ipag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na magbayad sila ng P10 milyon multa dahil sa overcharging.

Inutusan rin ang Grab na ibalik sa mga pasahero ang dalawang piso daka minutong waiting charge na kanilang siningil mula June 2017 hanggang April 2018.


Giit ng Grab, alinsunod sa order ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang singil.

Gayunman, pinag-aaralan na anila ng kanilang legal team ang kanilang maging susunod na hakbang.

Tiniyak rin ng Grab na hindi sila mawawala.

Facebook Comments