Manila, Philippines – Itinanggi ng Transport Network Company (TNC) na Grab na nagpapataw sila ng karagdagang dalawang pisong charge sa kada minuto ng biyahe.
Ayon kay Grab Philippine Public Affairs Head Leo Gonzales, nanatili silang tapat at transparent sa kanilang ibinibigay na serbisyo sa riding public.
Hindi aniya sila nagtatakda ng sarili nilang pamasahe na walang gabay ng regulating body.
Ang 2 pesos per minute charge ay nakapaloob na sa per kilometer charges.
Iprinisinta nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa kanilang fare structure.
Nakatakdang pag-usapan ang isyu sa gagawing pagdinig ng LTFRB sa Martes (April 17).
Facebook Comments