Manila, Philippines – Nanindigan ang Grab Philippines na legal ang mga ipinatutupad nilang pasahe.
Ayon kay Grab Philippines Public Affairs Head Leo Gonzales, nakasaad sa isang kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na pinapayagan ang mga Transport Network Companies (TNC) na magtakda ng sarili nilang pamasahe.
Aniya, maging ang Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) ay kinumpirmang valid at legal ang nasabing department order.
Giit pa ni Gonzales, mula nang suspendehin ng LTFRB ang pagsingil ng dalawang piso na kada minutong travel charge ay humina ang kita ng mga driver at mas nawala sila ng gana na maghakot ng pasahero.
Tugon ito ng Grab sa pahayag ni PBA Party List Representative Jericho Nograles na ilegal ang paniningil ng nila ng 80 pesos minimum fare at 2 pesos per minute travel charge.