NANINDIGAN | Ilang araw bago bumaba ang desisyon sa quo warranto case, Sereno, hindi magbibitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Tatlong araw bago ang hatol sa kanyang quo warranto case, nanindigan si Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno na hindi ito magbibitiw sa pwesto.

Sa katunayan aniya ay plano na niyang bumalik sa trabaho.

Iginiit din ni Sereno na inggit ang pinagmulan ng kanyang quo warranto case.


Ilan din aniya sa kanyang mga kasamahan sa hudikatura ang nagkampihan para madiin siya.

Nagbabala pa si Sereno na kapag natalo siya sa nasabing petisyon ay magiging malagim ang kakaharapin ng bansa.

Facebook Comments