Manila, Philippines – Iniwan na lang ng Palasyo ng Malacañang kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang ang paglilinaw sa Korte Suprema sa kanyang pagkuwestiyon sa pagkakasuspinde sa kanya ng Office of the President (OP).
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naninindigan ang Malacañang na mayroong karapatan ang OP na disiplinahin ang Deputy Ombudsman dahil hindi ito impeachable position.
Sinabi ni Roque na hanggang hindi nakakukuha ng Temporary Restraining Order si Carandang sa Korte Suprema at epektibo pa rin ang kanyang 90 days suspension.
Matatandaan na sinuspinde ng Malacañang si Carandang dahil sa kasong Grave Misconduct matapos nitong ilabas ang pekeng bank statement ni Pangulong Rodrigo Duterte na una nang ginamit ni Senador Antonio Trillanes IV sa kanyang expose sa umanoy tagong yaman ni Pangulong Duterte at pamilya nito.