Manila, Philippines – Nanindigan ang kolumnista ng Time Magazine na isama sa kanyang artikulo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘strongman’.
Ang salitang ‘strongman’ ay tumutukoy sa isang political leader na gumagamit ng puwersa o military method.
Ayon kay Foreign Affairs columnist at time editor-at-large Ian Bremmer, kilala si Duterte sa mga matatapang nitong pahayag.
Naniniwala si Bremmer na gusto rin ng pangulo na tinatawag siyang ‘strongman’ kahit ayaw niya itong aminin.
Bukod kay Duterte, kabilang din sa ‘strongmen’ ng Time Magazine sina Russian President Vladimir Putin, Hungarian Prime Minister Viktor Orbán at Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Una nang iginiit ni Duterte na hindi siya kailanman naghari-harian at naluklok aniya siya sa pwesto dahil sa kanyang pangakong labanan ang korapsiyon, kriminalidad at droga.