Manila, Philippines – Nanindigan si bagong Supreme Court Chief Justice Teresita de Castro na hindi nito gagamitin ang Toyota Land Cruiser na kabilang sa naungkat noon sa impeachment hearing ng Kongreso laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni de Castro na tatalakayin nya sa isa sa mga en banc session ng Korte Suprema kung ano ang magandang gawin sa kontrobersyal na luxury car.
Isa sa option ni de Castro ang maisubasta ang mahigit 5 milyong pisong service vehicle noon ni Sereno.
Kahit sandali lang anya syang manunungkulan bilang punong mahistrado, dapat anyang maging halimbawa sya sa iba sa simpleng pamumuhay.
Facebook Comments