NANINDIGAN | LTFRB Chairman Martin Delgra, nanindigang hindi siya nagbibigay ng anumang pabor sa ilang kumpanya para sa prangkisa

Manila, Philippines – Nanindigan si Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chairman Martin Delgra na hindi siya nagbigay ng anumang pabor sa ilang kumpanya para sa prangkisa.

Ito ay makaraang maghain si ACTO Chairman Efren De Luna ng reklamong graft laban kay Delgra sa Office of the Ombudsman.

Giit ni Delgra, ang Board Resolution No. 045 ay hindi binuo para magkaloob ng “undue favor or advantage” sa anumang grupo.


Aniya, ang lahat ng aplikante ay kailangan pa ring maghain ng kani-kanilang aplikasyon at sumailalim sa proseso para makakuha ng Certificates of Public Convenience o CPC.

Kailangan rin aniya ng lahat ng aplikante na magpakita ng sapat na patunay na kwalipikado sila bago magpasya ang board ng LTFRB na mag-isyu o hindi ng CPC.

Facebook Comments