Manila, Philippines – Muling iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi maaring gamitin bilangschool transport service ang mga tricycle.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang mga van, mini-bus, coasters, coaches at bus ang maari lamang gawing transport service ng mga estudyante.
Aniya, hindi sakop ng mandatory comprehensive insurance ng LTFRB ang mga pasaherong gumagamit ng tricycle bilang school service.
Una nang ipinanukala ng LTFRB sa Metro Manila Council (MMC) na ipagbawal ang tricycle bilang school service.
Ang MMC ang policy making body ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na binubuo ng 17 siyudad at munisipalidad sa kaMaynilaan.
Facebook Comments