NANINDIGAN | Magdalo Rep. Gary Alejano, iginiit na hindi coup d etat ang kanilang ginagawa noon sa Oakwood Hotel

Manila, Philippines – Nanindigan si Magdalo Partylist Representstive Gary Alejano na hindi sila nag coup detat noong mga panahong tinake over nila ang Oakwood at Manila Peninsula hotel.

Ito ay kaugnay parin ng pagpapawalang bisa ng Amnestiya ni Sen. Antonio Trillanes IVpatungkol sa pagkakasangkot nito sa tangkang pagpapabagsak sa nooy Administrasyong Arroyo.

Sa ginawang forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Alejano na bagamat aminado silang may nilabag silang batas ay hindi kasama dito ang coup d etat kahit pa ito ang kasong isinampa laban sa kanila.


Dahilan ng mambabatas at dating mutineer na maraming pwedeng maging depinisyon nang kanilang ginawang pag take over sa mga nabanggit na hotel at para saknya ito ay isa lamang protesta.

Giit pa ni Alejano na mahirap aminin nang isang bagay na pinaniniwalaan nila na hindi naman nila ginawa.

Matatandaan naman na sa ginawang Press Conference ni Justice Sec. Menardo Guevarra nilinaw nito na ang basehan sa pagpapalabas sa Proclamation no. 572 na nagpapawalang bisa sa Amnesty na ipinagkaloob kay Sen.Trillanes ay ang hindi pag amin nito sa kasong coup d etat na isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments