NANINDIGAN | Malacañang, iginiit na tuloy ang pagsasara sa isla ng Boracay

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na tuloy ang anim na buwang pagpapasara sa Boracay island para bigyang daan ang rehabilitasyon dahil sa hindi maayos na sewerage system.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kahit dumulog sa Supreme Court (SC) ang ilang residente Boracay para harangin ang pagpapasara sa isla.

Aniya, tanging temporary restraining order lamang mula sa SC ang makapagpipigil sa para ipasara ang Boracay.


Giit pa ni ROQue, bagamat iginagalang ng ehekutibo ang hudikatura, walang nakikitang merito ang Malacañang para harangin ang pagpapasara sa Boracay na pagmamay-ari ng estado.

Facebook Comments