NANINDIGAN | Malacañang, iginiit na umiiral ang press freedom sa bansa

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na patuloy na umiiral ang press freedom sa bansa.

Naniniwala naman si Presidential Spokesman Harry Roque, na ginagawa ng administrasyong Duterte ang lahat para maresolba ang kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.

Batay sa 2018 world press freedom index ng media watchdog na Reporters Without Borders, mula sa dating 127th spot ay bumagsak ang Pilipinas sa 133 rd spot sa 180 bansa na nasa listahan na may score na 42.53.


Ayon sa media watchdog, resulta ito ng mga banat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamahayag lalo na sa mga kritisismo sa kampanya kontra ilegal na droga.

Facebook Comments