NANINDIGAN | Malacañang, nanindigang hindi kailanman magiging kontento ang mga manggagawa

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na hindi kailanman magiging kontento ang mga manggagawa mayroon man o walang nilagdaang Executive Order (EO) na magwawakas sa illegal contractualization.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa man nakikita ng mga labor groups ang nilalaman ng EO ay umaangal na ang mga ito.

Ibig sabihin aniya, anuman ang lalagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte, patuloy pa rin itong pupunahin.


Iginiit ni Roque, na tinupad ng Pangulo ang kanyang pangako na bubuwagin ang kontraktwalisasyon o mas tinatawag na End-of-Contract o ‘endo’.

Facebook Comments