NANINDIGAN | Mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs, matitigil lang kapag nahinto ang kalakalan nito – PRRD

Manila, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na ihihinto ang giyera kontra droga kung matitigil din ang narcotics trade ng mga users at peddlers.

Iginiit ng Pangulo na itigil ang pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga at matitigil din ang mga pagpatay.

Muli rin sinabi na Pangulo na gagamit lamang ng deadly force ang mga awtoridad kung ang nanganganib ang kanilang buhay lalo na kung nanlaban pa ang mga hinuling drug suspect.


Binigyan diin din ng Pangulo na hindi siya maaring isakdal dahil lamang sa extrajudicial killings dahil walang ganitong nakasaad sa revised penal code.

Facebook Comments