NANINDIGAN | Mga taga oposisyon, hindi titigil sa pagprotesta sa pagsasara ng Boracay

Aklan – Nanindigan si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, na hindi titigil ang oposisyon sa pagprotesta sa desisyon ng gobyerno na isara ang Boracay sa loob ng anim na buwan.

Kinukundena ni Zarate ang mistulang “overkill” na pagbabantay ng mga otoridad sa isla.

Aniya, nagpaplano ulit ang mga manggagawa sa Boracay na maghain ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema para i-lift ang closure ng isla.


Layon din lamang talaga nito na i-intimidate ang mga apektadong residente sa Boracay na umaasa sa kabuhayan na makukuha sa lugar.

Aniya pa, ang mala-martial law na paghahanda na ito ay para rin patahimikin at takutin ang mga kumokontra sa pagsasara ng isla.

Aabot sa 630 Philippine National Police (PNP) personnel na bumubuo sa Task Force Boracay kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG) na magbabantay sa isla laban sa mga magpoprotesta.

Facebook Comments