NANINDIGAN | NFA, nanindigang walang kakulangan sa supply kahit may desisyon na mag-import ng bigas

Manila, Philippines – Tatalima ang National Food Authority (NFA) matapos magdesisyon ang NFA council na mag-import ng 250,000 metric tons ng bigas sa Malaysia.

Gayunman, binigyan diin ni NFA spokesperson Rex Estoperez na hindi nangangahulugan na may pagkukulang ng tustos ng pagkaing butil.

Aniya, kailangan nilang punuan ang buffer stock ng ahensya para i-stabilize ang supply ng murang bigas sa merkado.


Idinagdag ni Estoperez na kahit masagana ang ani sa kasalukuyan, masyadong mataas ang presyo ng mga local traders sa aning palay.

Nasa 22 pesos per kilo ang bili ng mga traders, samantalang 17 pesos lamang ang support price ng NFA.

Sa Hunyo, inaasahang dumating ang inangkat na bigas galing Malaysia gamit ang Government to private mode of importation.

Facebook Comments