NANINDIGAN | P-Duterte, muling nanindigang hindi makikipag-giyera sa China

Manila, Philippines – Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya sasabak sa giyera kontra sa China.

Ayon sa Pangulo, bakit siya makikipaglaban sa China gayung kaya nilang lusubin ang Metro Manila sa loob lang ng 14 na minuto.

Kasabay nito, muling binanatan ng Pangulo ang Amerika na gustong ipilit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea.


Aniya, kahit ang Amerika ay hindi sinita ang China nang simulan nila ang pagtatayo ng artificial island sa WPS.

Pinuri naman ng Pangulo ang China at Russia sa pagbibigay ng armas sa Pilipinas.

Facebook Comments