Manila, Philippines – Nanindigan sina senators Loren Legarda at JV Ejercito na iprotesta ng gobyerno sa diplomatikong pamamaraan ang paglalagay ng China ng missile system sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Para kay Legarda, na sya ring pinuno ng Committee on Foreign Relations, nakakabahala ito kaya dapat ay protektahan natin ang ating intres, at ang ating territorial at sovereign rights.
Ayon kay Legarda, ang patuloy na militarisasyon ng China ay maaring magdulot ng gulo na pilit iniiwasang mangyari ng ating gobyerno kaya si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakikipagkaibigan sa China.
Si Senator JV Ejercito naman ay patuloy ang suporta sa pakikipagtulungan at pakikipagkaibigan ng administrasyong Duterte sa China.
Pero giit ni Ejercito, ang hakbang ng China sa West Philippine Sea ay sobra nang pagyurak sa ating soberanya.