NANINDIGAN | Pagtaas sa tobacco taxes, iginiit ni Senator Ejercito

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator JV Ejercito na ngayon ang tamang panahon para itaas ang buwis sa tobacco products o sigarilyo.

Katwiran ni Ejercito, kung ikukumpara sa buong Asya, ay pinakamura pa rin ang presyo ng mga sigarilyo at tobacco products dito sa Pilipinas.

Mungkahi ito ni Ejercito sa harap ng panawagang suspendehin ang dagdag buwis sa produktong petrolyo na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law dahil sa tumataas na presyo ng mga bilihin.


Ayon kay Ejercito, ang mawawalang revenue o kita ng gobyerno sakaling isuspendi ang excise tax sa langis ay pwedeng kunin sa tobacco tax.

Dagdag pa ni Ejercito, health measure din ang kanyang panukala na naglalayong mabawasan ang mga nagsisigarilyo.

Facebook Comments