NANINDIGAN | PAO Chief Persida Acosta, iginiit na Dengvaxia ang responsable sa kamatayan ng ilang batang naturukan

Manila, Philippines – Patuloy na ginigiit ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta ang anti-dengue vaccine na Dengvaxia ang responsible sa kamatayan ng ilang naturukang bata.

Tugon ito ni Acosta kasunod ng pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino III na wala pang katibayan na ang Dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay ng ilang naturukan nito.

Ayon kay Acosta, 60 Dengvaxia casualties ang kanilang na-examine kung saan nakitaan ng adverse effects na may kaugnayan sa Dengvaxia tulad ng pagdurugo ng internal organ bleeding, edema at hemorrhages.


Tiniyak din ng PAO Chief na may kredibilidad ang kanilang forensic team na nagsasagawa ng awtopsiya sa mga biktima ng Dengvaxia.

Facebook Comments