NANINDIGAN | PBA Partylist Representative Jericho Nograles, iginiit na dapat sumunod ang TNC na Grab sa utos ng LTFRB

Manila, Philippines – Iginiit ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles sa Transport Network Company (TNC) na Grab na sumunod na lang sa patakaran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Nograles – napakaraming palusot ng Grab kaugnay ng pag-iisyu ng detalyadong resibo sa babayarang pasaher ng kanilang mga pasahero.

Ani Norales, tumalima na lang ang Grab sa utos ng LTFRB na nag-oobliga sa lahat ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) na mag-isyu ng detalyadong breakdown ng resibo para sa mga rider.


Batay sa karanasan mismo ni Nograles at kanyang staff, hindi naman binago ng Grab ang sistema at patuloy na nag-iisyu ng resibo na naglalaman lang ng halaga ng pamasahe.

Facebook Comments