Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacanang na nangunguna sa adbokasiya ng Duterte Administration ang patas at makatotohanang balita at pagbabalita.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, isa sa iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ito ay manumpa bilang Pangulo ng bansa ay ang pagsusulong ng patas at tapat na pagbabalita sa taumbayan.
Patunay aniya dito ang Administrative Order Number 1 na siyang nagtitiyak sa kaligtasan ng mga mamamahayag sa pamamagitan ng pagtatatak ng Presidential Task Force on Media Security.
Binigyang diin ni Andanar na galit ang Pangulo sa paglalabas ng mali at lalo na ang mga mapanirang impormasyon.
Dahil aniya dito ay pinangunahan ng Presidential Communication Operations Office o PCOO ang ASEAN Ministerial meeting on countering fake news na dinaluhan ng mga ASEAN Communication Ministers.