NANINDIGAN | PCSO board member Sandra Cam, nanindigang hindi magre-resign

Manila, Philippines – Nanindigan si Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam na hindi siya magre-resign sa kanyang pwesto.

Pwera na lamang daw kung kay Pangulong Rodrigo Duterte na manggaling ang utos na iwan niya ang kanyang posisyon.

Ito ay sa kabila ng alitan nila ni PCSO General Manager Alexander Balutan matapos niyang isiwalat ang magarbong Christmas party ng ahensya.


Hindi rin daw niya tatantanan si Balutan maliban na lang kung pagsabihan siya ng Pangulo.

Pero paglilinaw niya, ginagawa niya ito hindi dahil gusto niyang maging chairman ng PCSO kundi para ipaglaban ang pondo ng ahensya.

Sa ngayon, nakatatanggap na raw siya ng mga banta sa kanyang buhay matapos isiwalat ang nasabing kontrobersya.

Facebook Comments