NANINDIGAN | PDEA, iginiit na guilty lahat ang nasa narco list

Manila, Philippines – Nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang lahat ng barangay officials na kasama sa kanilang narco list ay guilty.

Ito ay sa kabila ng batikos na wala itong due process at lumabag sa karapatang pantao ng mga nasa listahan.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mayroong 207 barangay officials ang nasa narco list mula drug protector hanggang pusher.


Pero aminado si Aquino, nakulang ang kanilang ebidensya para kasuhan ang mga ito.

Iginiit ni Aquino, ang narco list ay magsisilbing gabay sa mga botante para sa matalinong pagboto ngayong barangay elections.

Handa naman ang PDEA na harapin ang anumang demanda dahil sigurado silang nagkasala ang mga nasa listahan.

Bukod dito, mayroon pang 93 narco officials ang kanilang papangalanan.

Facebook Comments