NANINDIGAN | Philippine Coast Guard Spokesman Armard Balilo, planong kasuhan ng Manila Yacht Club

Manila, Philippines – Planong kasuhan ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) 101st Manila Yacht Club Squadron si PCG Spokesman Captain Armand Balilo.

Ito ang ibinabala ni Vice Admiral Fred Villanueva matapos sabihin ni Balilo na “bogus” ang kanilang grupo at hindi kinikilala ng PCG.

Sinabi naman ni Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño, na hindi ranggo ang mahalaga kundi ang spirit ng volunteerism.


Pero nanindigan si Balilo na hindi dapat mag-recruit ng miyembro ang PCGA para sa sariling kapakanan.

Tiniyak rin ni Balilo na handa rin ang PCG na gumawa ng legal na hakbang laban sa PCGA.

Facebook Comments