NANINDIGAN | Prejudgment sa kaso ni Sister Fox, pinabulaanan ng BI

Manila, Philippines – Nanindigan ang Bureau of Immigration (BI) sa desisyon nito na ipa-deport si Sister Patricia Fox dahil sa mga paglabag sa mga nilalaman ng kanyang visa.

Ayon kay Dana Krizia Sandoval, tagapagsalita ng BI hindi nakabatay sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang naging aksyon ng kawanihan kundi sa aksyon mismo ng Australyanang madre.

Iginiit ni Sandoval na mahigpit na ipinagbabawal sa sinumang dayuhan ang paglahok sa mga political rally sa bansa.


Sinabi ng opisyal na otorisado lamang si Sister Fox sa ilalim ng visa nito na magsagawa ng missionary works salig sa kanyang bokasyong pangrelihiyon.

Gayunman, ilan ulit aniya itong sumali sa mga pulitikal na aktibidad tulad ng rallies na inamin rin mismo ng madre.

Nilinaw naman ni Sandoval na mayroong 30 araw si Sister Fox mula sa pagkakatanggap ng desisyon ng BI bago ito maituturing na pinal.

Facebook Comments