Manila, Philippines – Nanindigan ang pangulo ng Veterans Federation of the Philippines (VFP) na hindi siya aalis sa kanyang opisina kahit pwersahin pa siyang kaladkarin ng militar at pulis matapos hindi nito kilalanin ang kautusan ni Defence Secretary Delfin Lorenzana na bakantehin ang kanyang posisyon.
Una rito dumating sa tanggapan ng Veterans Federation of the Philippines (VFP) si DND Undersecretary Ernesto Carolina upang ipaalam kay Colonel De Gracia na dapat na itong umalis dahil wala umanong saysay ang election noong nakaraang Disyembre.
Nagsagawa ng vigil ang humigit kumulang 70 mga anak ng beterano para protektahan ang kanilang presidente na pilit papaalisin sa pwesto.
Humigit kumulang 700 milyong piso umano ang pondo ng mga beterano na kanilang pinoprotektahan na dapat mapupunta sa tamang kamay kaya at naninindigan si Colonel De Gracia na kailanman ay legal ang pagluklok sa kanya dahil dumaan sa tamang prosedo.
Giit naman ni Undersecretary Carolina na ipatutupad pa rin nila ang maximum tolerance at binibigyan pa rin ng oras si Colonel De Gracia na umalis nalamang ng mapayapa upang maging maayos ang lahat ng transakyon ng mga beterano.