Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Budget and Management (DBM) na walang pork barrel sa proposed ₱3.757 trillion national budget para sa susunod na taon.
Ito ay kasunod sa pagkakadiskubre sa ₱55 billion na inilaan sa iba’t-ibang proyekto.
Ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno, dumaan sa pagsusuri at may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasabing pondo upang magsilbing budget ng bansa sa oras ng kagipitan.
Hindi rin aniya na matatawag itong pork barrel dahil hindi ito hawak o kontrolado ng mga mambabatas.
Facebook Comments