NANINDIGAN | PRRD, nanindigang hindi susunod sa COA

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya susundin ang sinasabi ng Commission on Audit (COA) sa pagbibigay ng tulong mga nasalanta ng bagyong Ompong.

Ayon kay Pangulong Duterte, kalimutan na ang COA at gawin kung ano ang dapat gawin.

Paliwanag ng Pangulo, sumusunod na nga sa COA may violation ka na pero wala ka pang nagawa, kaya mas maganda aniyang gawin mo na lang ang isang bagay tutal ay mayroon na rin namang nalabag na panuntunan ng COA na sinabi ng Pangulo na COA lang naman ang nakakaalam.


Ito aniya ang problema sa COA kaya hindi siya sumasangayon sa ginagawa nito na nagsasabi ng maraming circular at magsasampa ng kaso sa mga taong gobyerno.

Paliwanag ng Pangulo, alam niya na maraming tuwaling tao sa gobyerno pero hindi aniya ito dahilan para hind ito maging discerning o hindi nito makita kung ano ang tama at kung ano ang mali.

Matatandaan na sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na anomang kuwestiyon ng COA ay kayang sagutin ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments