Manila, Philippines – Nanindigan si Running Priest Father Robert Reyes na mananatili ang mga taga suporta ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kahit na pumapabor sa kanilang kahilingan na ibasura ang quo warranto case na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.
Ayon kay Fr. Reyes, kahapon pa ng hapon nagkakampo ang mga pro-Sereno upang igiit na iligal ang pwersahang pagtatanggal sa punong mahistrado ng Korte Suprema dahil sa tingin ng mga taga suporta ni Sereno na ito ay sisira sa demokrasya ng bansa at labag anila sa ating Saligang Batas ang naturang hakbang.
Paliwanag ng running priest na imposibleng babaliktarin ang quo warranto case ng mga mahistrado ng Korte Suprema dahil sa unang araw pa lang ng pagsasampa ay dapat ibasura na nila naturang kaso laban kay Sereno.
Giit ni Fr. Reyes na galit na aniya ang taong-bayan at wala nang tiwala sa Korte Suprema at mamaya sa ilalabas na desisyon ay sabay-sabay aniyang isisigaw ng mga taga-suporta ni Sereno ang traydor.